PILIPINAS ba pa tayo nayon?

June 16th, 2007 by jrprofessor79

e-mail me at:jrprofessor79@yahoo.com

sa tingin nyo?

PILIPINAS pa ba na maituturing ang ating bansa ngayon/

Pilipinas ng pasipiko

Pilipinas ng timog-silangang asya

Pilipinas na tinuturing na isa sa makulturang bansa sa mundo

Isang Asyanong bansa

Sa tuwing iisipin ko na ang ating bansa ngayon ay naghihikahos dahil sa kahirapan, ang una kong maiisip ay ang dahilan nito.

Sa aking palagay, dahilan ito ng pagiging mahina nating mga Pilipino

Lagi tayo umaasa sa ibang tao,sa mga amerikano.

Hindi tulad ng dati, ang mga pilipino lumulaban.

Pinagtatanggol ang kanilang karapatan.

Isinusulong ang kanilang kalakasan at katalinuhan, at gamitin ito para sa kabutihan at kasaganahan.

Pero ngayon, tingnan mo.

Oo nga, ang ekonomiya natin ngayon ay unti unti nakakabawi sa pagbagsak pero nasan ang dignidad natin mga pilipino.Umaasa lang tayo sa mga makapangyarihan at mayayamang bansa.Para tayong mga alipin na pinapakain lang para mabuhay at sa tamang sandali ay gagamitin tayong kasangkapan sa kanilang mga mapanirang mga plano tulad ng mga digmaan.Gayundin upang tayo ay pagkunan ng mga  natural resources na kung saan mayaman tayo at kaya naman nating pagyamanin sa ating sarili.

Isa pa, bakit nga ba ang mga Pilipino ay sabik at gustong gusto na makarating at magtrabaho sa ibang bansa,sa amerika. Ganun na ba kaswapang tayong mga Pilipino. May sarili tayong pera dito sa Pilipinas na pagkikitaan natin. Kung sasabihin mong kailangan natin ito para sa ating ekonomiya, hindi lang ito ang economy-factor para umunlad.Pwede namang hindi lahat ng pilipino ay maghangad. Ang mga Pilipino ay kailangan dito sa ating sariling bansa para sa pansarili nating kaunlaran.

ROLIE PRECIOSO